How to Use NoCough®
Ano ang NoCough?
Ang NoCough ay isang herbal transdermal patch (dinidikit sa balat) na nagbibigay ng ginhawa mula sa mga sintomas:
- Ubo dulot ng hika, trangkaso o allergic rhinitis
- Sipon
- Plema
- Pagbabahing at pagluluha dulot ng allergic rhinitis
- Halak
- Kati ng lalamunan
Sino ang pwedeng gumamit ng NoCough?
Maaaring gumamit ng NoCough ang 3 months old sanggol pataas hanggang matatanda. Bawal sa buntis, nagpapadede at mga sanggol 3 buwan pababa.
Puwede bang gamitin ang NoCough kahit may sakit ang gagamit?
Kahit may ibang karamdaman o sakit, pwedeng gumamit ng NoCough.
G6PD positive – walang menthol o mint na ingredient ang NoCough kaya safe ito sa mga bata na may G6PD.
Okay lang ba na gamitin ang NoCough kung may iniinom na gamot?
Pwedeng-pwede. Huwag na huwag niyong itigil ang gamot na nireseta ng inyong doctor lalo na ang antibiotic. Tandaan na ang NoCough ay hindi pamalit sa gamot na nireseta ng doctor.
Ilang araw bago umpeketo ang NoCough?
Iba-iba ang katawan ng tao. Kung ang iba ay 1-2 araw ay okay na, yung iba 2-3 araw, nirerekomenda namin ang 3 hanggang 5 araw na dire-diretsong gamit.
Ano ang gagawin bago gamitin?
- Natanggal ang mga seals. Narito ang picture kung paano alisin ang mga seals:
- Magsagawa ng skin allergy test – idikit ang patch sa binti ng gagamit sa loob ng 3 minuto. Alisin. Mag-antay ng 1-2 oras at kapag namula, huwag ipagamit. Huwag din itapon ang nalalabing patches dahil puwedeng gamitin ng ibang kasama sa bahay at sayang naman kung itatapon lang. Ilista ang mga ingredients para alam niyo kung saan allergic ang taong nag-positive sa skin allergy test. Kapag hindi namula o walang reaksyon mula sa skin allergy test, ibig sabihin ay pwede syang gamitin.
- Siguraduhing walang sugat ang balat na pagdidikitan.
- Kailangan na malinis ang balat ng pagdidikitan.
Saan dapat idkit ang patch?
Maaring sa dibdib o likod. Sa parte na hindi pawisin. Para sa kati ng lalamunan, idikit bandang leeg.
Ilang patch ang ididikit at gaano katagal nakadikit?
- 1 patch – 3 months old to 3 years old ng 8 oras lamang
- 2 patches – 4 yrs old pataas pati matatanda ng hanggang 12 oras
Anong oras dapat idikit ang NoCough?
Kapag bata ang gagamit, nirerekomenda na sa gabi sya dikitan kapag patulog na para hindi na nagkikilos ang bata at hindi na mapawisan. Pero kung inuubo o sinisipon pa rin sa umaga, dikitan na lang ng panibago. Sa mga matatanda, kahit anong oras pupwedeng gamiting ang NoCough.
Bakit namula ang balat ng anak ko sa loob ng patch?
Kapag napagpawisan ang bata at dahil kulob ang balat sa loob ng patch, tulad ng diaper rash, kapag nabasa, maaring mamula ang balat sa baba ng patch. Kapag nangyari ito, alisin lang ang patch at kapag hindi pa tapos ang oras ng paggamit, idikit itong muli sa ibang parte ng katawan na hindi pawisin. Hayaang mahanginan ang namulang parte; matutuyo din at mawawala iyon.
Maaring gupitin at bawasan ang puting bahagi ng patch para mabawasan ang may adhesive (glue) na parte at para hindi kalakihan ang balat na madidikitan ng patch. Magtira ng kaunting puti at huwag sagarin ang gupit hanggang sa itim na bilog dahil walang adhesive (glue) ang itim ng bilog kaya baka matanggal lang ang dikit ng patch.
Bakit natanggal agad ng dikit ng patch?
Pwedeng matanggal ang dikit kapag napagpawisan lalo na kapag sanggol o maliit na bata ang gagamit, i-check paminsan-minsan para makasiguro na nakadikit ang patch. Kapag ayaw na dumikit ng patch, patungan ng band aid o ng medical tape.
Bakit masyadong madikit ang patch?
May mga pagkakataong masyadong madikit ang patch. Ang isang sanhi nito ay ang natuyuan ng pawis o lumagpas sa oras ng gamit. Ang pinakadamaling paraan para tanggalin ito ay ang basain lang ng tubig at ibabad. Ang ginagawa ng iba ay sinasabay na sa pagligo para lumambot ang adhesive (glue) para madaling tanggalin pagtapos. Dahan-dahan mula sa dulo, alisin ang patch at huwag biglain dahil baka masaktan lalo na kapag mabalbon ang gumamit tulad ng mga sanggol.
Ano ang magiging epekto ng NoCough patch kada sintomas at ano ang dapat gawin?
- SIPON – hayaan lang na tumulo ang sipon dahil mas maigi na nailalabas kaysa hindi. Ang sipon na hindi nailalabas ay posibleng magdulot ng sakit sa tenga o maging sanhi ng ubo kinalaunan. Uminom lagi ng tubig.
- UBO NA WALANG PLEMA (DRY COUGH) o BARADONG ILONG – uminom ng maraming tubig (6 months old pataas) para matulungan na lumambot ang plema at lumuwag ang ubo.
- UBO NA MAY PLEMA – ituloy lang ang pag-inom ng tubig. Mapapansin niyo na mas madali mailalabas ang plema sa dura. Sa mga sanggol o bata, tutulo na sipon, sasama sa suka o pupu. Bantanyan ang bata kung sakaling sumuka dahil sobrang lapot gawa ng plema, baka mailunok nya pabalik.
- ALLERGIC RHINITIS – nirerekomenda na gamitin ang NoCough sa oras na bago sumpongin ng rhinitis. Malalaman iyon kapag nagluluha at nagbabahing na minsan ay may kasamang pag-ubo at sipon. Kadalasang nangyayari ito sa gabi o madaling-araw.
- HALAK – ito ay kadalasang nangyayari kapag nasosobrahan ng pagdede ang sanggol lalo na kapag nakahiga sya kung dumede. Para maiwasan ang halak, siguraduhin na mas mataas ang ulo kaysa sa katawan ng sanggol habang dumedede. Huwag sobra ang gatas na ibigay; may wastong sukat ang dapat na gatas at tamang pagitan ng oras bago ang susunod na pagdede ng sanggol. At mahalaga na padighalin (burp) ang baby bago ibaba. Isampay lang sa balikat o isandal sa dibdib paharap sa iyo at tapik-tapikin ang likod. Huwag ibababa hangga’t hindi nakakadighal, kahit na makatulugan pa niya ito. Normal lang na minsan pagdighal ay isuka ang sobrang gatas na nadede.
- KATI NG LALAMUNAN – iwasan ang mga pagkain na nakakakati ng lalamunan tulad ng dry foods, mga may dagta at gata, tulad ng cornick, mani, mais, mangga, dilis, daing, etc. Sa mga matatanda, pupuwede na sabayan ng pag-inom ng tsaa ng luya na may lemon at honey. Laging uminom ng maligamgam na tubig.
PAALALA: Para makatulong rin sa paggaling ng gagamit ng NoCough, sundin ang mga sumusunod:
- Tamang nutrisyon. Siguraduhin na nakakakuha ng vitamins and minerals na nakakatulong sa pagpapatibay ng resistensya tulad ng Vit C.
- Damihan ang pag-inom ng tubig (6 months old pataas) para lumambot ang plema na sanhi ng ubo at makatulong na ilabas sa pamamagitan ng sipon, o sumama sa suka o poop.
- Panatilihin na malinis ang kapaligiran. Magpalit ng punda, twalya, kurtina, sheets regularly.
- Umiwas sa alikabok at usok pati na rin sa matatapang na amoy tulad ng pabango, fabric conditioner at pulbo.
- Kung hindi umepekto ang NoCough pagkatapos gamitin ng 3-5 days, magpakonsulta na sa doctor dahil ang NoCough ay hindi pamalit sa gamot, at baka ang kailangan na ay gamot tulad ng antibiotic.
--
Kung may iba pang mga katanungan, imessage niyo lang kami sa aming Facebook page.
Ang aming office hours ay Monday to Saturday, 8AM to 5PM kaya sana ay maunawaan niyo kapag hindi na kami sumasagot kapag sarado na ang office o kapag gabi na, pero gagawin naming ang aming makakaya para makasagot agad sa inyo.
Huwag niyong kalimutan na bigyan kami ng positive feedback kapag natulungan kayo ng NoCough para marami pang mga tao ang makaalam sa produktong ito.
Salamat at sana ay makatulong ang NoCough sa inyo.